Friday, August 5, 2016

Open Letter Para Sa Iyo.. na nasaktan ko..



Para Sa Iyo na Nasa Malalim na Part ng Puso ko,

Mas okay na nga siguro kung hindi ka nagka car. Para kung ganoon, hindi naging mas mahal ang gas kesa sa akin. Mas mabuti pa nga siguro yung simpleng tayo noon. Yung maglalakad lang tayo hawak kamay sa daan. Tapos nagkwekwentuhan, yung koche palang na gusto mo bilhin, tapos sa tuwing ihahatid kita sa gate ng bahay namin lagi lang imaginary car pa yung sasakyan mo..(nakakatuwa yun pag na iimagine ko pa din yung muka mo). 
Yung naganap sa college day, yung tawag sayong "chief" ng mga blockmate mo, yung traffic sa taft, yung comment ni chef sa niluto ko, yung grade sa term paper, at marami pang iba na nangyari sa buong maghapon tapos may kasamang cello's donut na paborito natin. 
Sa totoo lang namiss ko yun. Oo nakakamiss. Kasi yun yung mga panahong nabuo tayo ng mga pangarap, yung panahon na tama ang lahat. Yung mga panahong ang sarap mangarap kasama ka. Yung gusto mong trabaho, yung gusto mong company, yung buhay na gusto mo para sa atin. Nakakatuwa isipin. Kahit higit isang dekada na din ang lumipas may naaalala pa din ako. Kahit ilang beses na ako nag libing ng mga alaala meron pa din palang mga natira.  Ilang masaya at nakakatuwa na balik tanaw sa mga araw na kasama ka. 

Kung tatanungin mo ako kung nang hihinayang ba ako? Siguro,  kasi alam ko andun na tayo. Alam ko kumpleto na. Konting panahon nalang noon alam nating kaya na nating dalawa. Kung baga ba noon ang peg natin "you and me against the world." hehe. Nanghihinayang siguro ako kasi nawalan ako ng "absorbing man" (yun yung tawag mo sa sarili mo noon). Yung taong nasalo sa akin kapag sobrang stressed out ako. Yung ikaw na nayakap sa akin pag sobrang pagod na ako. Namimiss kita? Siguro. Kasi ikaw lang ang taong nakakita sa akin nung sobrang down ako. Ikaw lang yung taong humawak sa kamay ko nung time na lunod na lunod ako at hindi ko alam ang gagawin. Ikaw lang yung nakikinig sa lahat ng sinasabi ko.
Ang dami nang nangyari sa buhay natin. Sa loob ng lampas isang dekada nating hindi pag uusap. Alam ko galit ka pa din. Hindi naman kita masisisi. Nagkamali ako. Sobrang malaking pagkakamali na iwanan ka at lokohin ka but I had to make that choice, masakit pero kailangan dahil kung hindi baka mahatak lang kita pababa. Patawarin mo ako. Alam kong kahit ilang libong beses ako mag sorry sayo hindi nun matutumbasan yung sakit. 
Kung bibigyan ako ng pagkakataon na ulitin ulit ang buhay kasama ka sa panahon ngayon. Alam ko mas magiging matapang ako piliin ka. Kasi alam ko kaya ko nang panindigan yun. Pero wala na kasi huli na. Huli na ang lahat. Nasa huli talaga ang pagsisisi. On a lighter note, paano nga ba magsisisi sa umpisa? Pwede ba? Haha!
Huling mensahe? Siguro, sasabihin ko sayo. Salamat. Salamat sa limang taon ng buhay ko kasama ka. Salamat pag alalay mo sa akin, sa pasensya mo sa lahat ng kulit ko, sa pagtulong mo sa akin sa lahat ng bagay, sa pagyakap mo sa akin kapag pakiramdam ko magisa ako at pasan ang mundo, sa pakikisama mo sa pamilya ko, at higit sa lahat sa pagmamahal sa akin ng totoo. :)
Tanga nga siguro ako kasi pinakawalan ko ang kagaya mo, kung baga sa sky, ikaw ang brightest Shining Star :) 🌟 
Pero not bad, alam ko kasing mas magniningning ng mas maliwanag ang 🌟 mo pag hindi ako ang kasama mo. 

After 10 years,  closure nga ba ang hanap ko? Kahit na alam kong wala ng pagasa kausapin mo ako, sabi nga ng friend ko, "sometimes not having closure is the closure." tama nga kaya? Kasi ang dami pa ding tanong sa isip ko. Siguro in time malalaman ko ang sagot.
For now, alam ko happy ako para sayo. Para sa lahat ng narating mo. Sa dami ng sulat na ginawa mo para sa akin bago tayo tuluyang maghiwalay. Palagay ko eto na ang sagot. Huling sulat para sa taong minsang naging mahalaga at parte ng pagkatao at puso ko. Para sa taong minsan ay minahal ko at habang-buhay magiging parte ng puso ko.#

From,
The Girl You Once Called Yours